Aki Nin Daet  


Thursday, November 12, 2009
Happy Birthday Emerson

HAPPY BIRTHDAY!

MR. EMERSON DE LEMON

November 12, 2009

Happy-Birthday


Friendship bar




Wednesday, September 30, 2009
Happy Birthday Bibo Athan

HAPPY BIRTHDAY!

MR. JONATHAN TAPEL

"Bibo Athan"

September 30, 2009

happy birthday

Friendship bar





Tuesday, September 01, 2009
juk...juk...juk

BETH: halata na ang tiyan mo. Bakit hindi pa kayo papakasal ng BF mo?
MARIA: ayaw ng pamilya niya eh.
BETH: sino may ayaw, tatay o Nanay?
MARIA: yung misis niya.


Friendship bar






Sunday, August 02, 2009
Paalam Tita Cory!


Corazon C. Aquino
Ika-11 Pangulo ng Pilipinas
Ikalawang Pangulo ng Ika-apat na Republika
Unang Pangulo ng Ikalimang Republika
Panahon ng Panunungkulan
Pebrero 25, 1986 Hunyo 30, 1992
Madalas nating sabihin nasaan ang demokrasya at madalas din nating isiping " alam ni Tita Cory yan". Sa mga panahong inilagi ni Tita Cory sa ating bansa walang ibang inisip ang ating mahal na pangulo kundi ang pangalagaan ang ating demokrasya na syang umukit sa kasaysayan ng ating bansa.

Hindi man natin personal na kilala si Tita Cory ay masasabi nating naging makabuluhan ang pagiging Filipino niya sa atin.

Ating killanin si Ginang Cory Aquino sa pamamagitan ng WIKI FILIPINO:

Si María Corazón Cojuangco-Aquino na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Ipinanganak siya noong Enero 25, 1933 sa Tarlac ng kanyang mga magulang na sina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Kilalang may kaya ang kanilang angkan na nagmamay-ari ng malawak na lupain sa Tarlac.

Nagtapos siya sa isang paaralang Katoliko na para lamang sa mga kababaihan bago pinalad na makapag-aral sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses at Matematika sa New York's Mount Saint Vincent College. Nagbalik siya ng Pilipinas noong 1953 upang kumuha ng kursong abugasya. Doon niya nakilala ang kabiyak na si Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay kilala rin bilang ina ng artistang si Kris Aquino.

Si Cory Bilang Asawa ni Benigno Aquino, Jr.

Kilalang angkan ang Aquino sa politika. Nahalal bilang mayor si Benigno Aquino, Jr. o kilala sa tawag na Ninoy isang taon matapos ang kanilang pag-iisang dibdib. Naging pinakabata rin itong gobernador hanggang sa maging senador.

Naging pangunahing kritiko ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kanyang asawa at isa sa mga nakulong matapos maideklara ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972. Dahil sa ilang taong pagkakakulong ng kanyang asawa ay siya ang naging tagapagsalita at katuwang nito sa pakikipag-usap sa mga aktibista at mamamahayag. Pansamantala silang nanirahan sa Boston matapos na palayain ang kanyang asawa upang sumailalim sa operasyon sa puso.

Taong 1983 ng buwan ng Agosto ng mapagpasiyahang bumalik sa Pilipinas ng kanyang asawang si Benigno Aquino, Jr. upang tulungan ang mga taong hindi sang-ayon sa pamumuno ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa kasamaang-palad ay ipinapatay siya matapos makalapag sa paliparan ang eroplanong kanyang sinasakyan.

Si Cory Bilang Unang Babaeng Pangulo ng Pilipinas

Taong 1985 ng mapili siya ng National Press Club ng Maynila upang tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas. Nangako siyang tatakbo sakaling makakalap ang grupo ng isang milyong lagda ng mga taong nagnanais na maging Pangulo siya. Matagumpay namang nakalap ang higit sa isang milyong lagda kung kaya't sinuportahan din siya ng anim pang partido. Napagpasiyahan niyang tumakbo hindi upang maghiganti kundi upang magkamit ng katarungan. May kalakihan ang tsansa niyang mahalal sapagkat bukod sa bago lamang siya sa pulitika ay katulad niya ang mga paniniwala at adhikain ng nasirang asawa.

Sa kasamaang palad ay hindi na natuklasan pa ang kinahinatnan ng eleksyong Pampanguluhan. Matapos ang isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986, at mapatalsik sa posisyon ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay nailagak siyang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas.

Halos pitong pag-aaklas ang naganap upang siya'y mapatalsik ang dinanas ng kanyang liderato. Ang ilan pa sa mga ito'y pinamunuan ng mga taong nagluklok sa kanya sa pwesto. Taong 1991 nang maglabas ng kasulatang nagpapahintulot sa kanyang manatili sa pwesto hanggang Hunyo 30, 1992. Pinalitan siya ni Fidel V. Ramos bilang Pangulo noong matapos ang kanyang termino.

Si Cory at ang CARP

Dalawang taon matapos siyang maluklok bilang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas, ipinatupad niya ang Comprehensive Agrarian Reform Act o CARP sa ilalim ng Republic Act No. 6657. Ilang kontrobersiya ang kinasangkutan nito lalo pa't kilalang haciendero ng ekta-ektaryang lupain ang kanyang pamilya. Sa ilalim ng programang ito ay mabibigyan ng lupa ang humigit kumulang sa 8.5 milyong magsasaka at manggagawa ng lupa sa loob ng sampung taon upang kumawala sila sa kahirapan at pagiging alipin.

Sa kasamaang palad, ang naipangakong 24 na milyong ektaryang lupa na ipamamahagi sana ay naging 4.7 milyon na lamang. Hindi na natuloy ang maayos na pamamahagi ng lupa dahil na rin sa kakulangan sa pondo at iba pang kadahilanan. Ang ilan namang pinalad na makatanggap ng lupa ay napilitang ibenta itong muli sa iba. 3 sa 5 katao na nagkamit ng lupa ang nagbentang muli nito dahil na rin sa wala silang sapat na pondo upang mapanatili ang kanilang lupain na sana'y planong gawing lupang pang-agrikultura.

Pagkakasakit

Marso 24, 2008 unang natuklasan ang pagkakaroon ng colon cancer ang dating pangulong Corazon Aquino. Humingi ng dasal at suporta para sa kanyang maysakit na ina si Kris Aquino, ang artista at TV host na bunso niyang anak.

Nagsimula ang karamdaman ng dating pangulo sa paulit-ulit na pagtaas ng blood pressure nito, paglalagnat at hirap sa paghinga. Hindi nagtagal ay naiulat ang kawalang-gana nito sa pagkain, hindi gumagaling na pag-ubo at ang kapansin-pansing pagbaba ng timbang na naging sanhi ng kanyang pagkapayat. Ito ang nagbunsod sa magkakapatid na Aquino na ipailalim sa malawakang pagsusuri ang kalusugan ng kanilang ina at dito natuklasan ang pagkakaroon niya ng cancer cancer sa colon.

Nakiusap ang pamilya na irespeto ang pribadong buhay ng kanilang ina at samahan sila sa pagdarasal upang gumaling ang karamdaman nito. Umabot sa mahigit na 14 na buwan ang pakikipaglaban ng pangulo sa sakit na cancer kaalinsunod ang pagpapasailalim sa Chemotherapy sessions.

Laparoscopic Colon Surgery

Sumailalim sa laparoscopic surgery ang dating Pangulong Corazon Aquino noong Mayo 4, 2009 sa Makati Medical City. Ang laparoscopic surgery ay isang uri ng pagtitistis na isinasagawa upang tanggalin ang mga cancer cells sa colon sa pamamagitan ng paggawa ng malilit na paghiwa sa sikmura kumpara sa malalaking paghiwa na kinakailangan para sa tradisyunal na operasyon. Ipinapasok ang laparoscope (isang napakaliit na telescope na nakakabit sa video camera) sa isa sa mga butas upang bigyan ng kalayaan ang siruhano na makita ang loob ng tiyan.

Ang mga instrumento ay ipinapasok sa kabilang butas upang tanggalin ang may karamdamang bahagi ng colon. Matapos nito ay muling ilalagay o ikakabit ang malusog na bahagi o parte. Tinatayang umaabot sa dalawa hanggang tatlong oras ang naturang pamamaraan. Matapos ang naganap na sensitibong operasyon ng mga doktor na siyang tumistis sa dating pangulong Corazon Aquino, naiulat kamakailan na matagumpay na naalis ang mga cancer cells sa colon ng una matapos ang isang oras at kalahating operasyon nito sa Makati Medical Center.

Friendship bar

Paalam Tita Cory!

Narito ang panalangin ko para sa inyo:

Makapangyarihang Ama pinipuri ka namin at pinapasalamatan sa araw na ito. Akin pong idinudulog sa inyo ang kaluluwa ng pumanaw naming pinuno. Naway tanggapin nyo po sya sa inyong kaharian. Nagpapasalamat po ako sa magandang pangyayari na nilikha ninyo ang isang pinuno na may puso at pang-unawa sa karamihan. Naway tumatak po sa isipan ng karamihan ang kanyang mga magagandang halimbawa na naipakita at naipadama sa sambayanang Filipino. Idinadalangin ko po ang kaligtasan ng kanyang pamilya at mga mahal sa buhay sampu ng mga Filipinong kanyang pinagsilbihan. Maraming salamat po sa lahat ng kabutihan sa amin.

Ang lahat ng ito po ay dinadalangin ko sa pangalan ni Jesus. Amen.




Saturday, August 01, 2009
juk...juk...juk

JUDGE: isa ka palang pusher, kidnapper, gun for hire, gambling lord, swindler at bugaw! Wala ka bang matinong hanapbuhay?
ACCUSED: meron po. Pulis po ako.

Friendship bar






Monday, July 27, 2009
Happy Birthday Bibo Sam

HAPPY BIRTHDAY!

MR. SAMUEL FRANCISCO

"Bibo Sam"

July 27, 2009


Birthday

Friendship bar






Friday, July 24, 2009
Maligayang Kaarawan!

Birthday Ko Po!  Ika-25 Birthday ko na, Edad na masasabi ko na mas kailangan ko ng maging matured at pag-isipan bawat bagay o desisyon na aking gagawin.

Sa nakalipas na dalawamput-apat na taon napakaraming bagay ang nangyari sakin, may saya, lungkot, hirap, excitements at aral sa bawat pagkakamali kong nagawa. Sabi ko sa sarili ko mas mabuti na rin na habang bata pa ako ay mapahiya at masaktan upang mas maaga kung matutunan kung ano ang tama at mali lalong lalo na pagdating sa pakikitungo sa kapwa tao.

May mga mapapait din akong naging karanasan sa loob ng dalawamput-apat na taon at masaya ako na maagang nangyari yun sa akin sapagkat itinuro nito sakin ang salitang " napala ".Nalaman kong bawat desisyon na aking gagawin ay may resulta depende kung ito ay tama o mali, desisyong dapat ay pinagiisipan at inaalam ang kahihinatnan.

Ang 25th birthday ko para sakin ay 23rd bithday palang dahilan sa ang dalawang taon ng ika-19 ko at ika-20 ay itinuturing kong paghinto ng aking buhay. Isang taon at mahigit na may karamdaman at kulang isang taon ng pagpapagaling. Ang dalawang taong iyon ay ang taong wala ako sa sarili. Ganunpaman masasabi ko pa ring itoy naging parte ng aking buhay, isa sa pinakamapait na karanasang aral ng pagkakamali  na dapat kong matutunan

25th Birthday, ano nga ba ang buhay na naghihintay sakin ngayong ika-dalawamput-limang taong kaarawan ko. May mga sorpresa nga bang nakabang sakin sa taong ito? May mga bagay ba akong bagong matutuklasan o may pangyayari kayang mahihirapan akong tanggapin?

Sa aking  kaarawan wala akong ibang nais maganap kundi ang matupad ang mga pangarap kung, kung pwede nga lang as much as possible e instant or in a flash pero syempre kailangan may effort di ba? Kailangan pinagplaplanuhan at kailangan may vission for this ung bang tipong pinaghihirapan. Alam ko namang bago makukuha ang isang bagay e kailangan mamuhunan ka ng hirap at pawis pero syempre wala namang bayad ang pangarap diba? Siguro this time ay kailangan ko nang  magkaroon ng self desipline at self control after all sa dami ng pinagdaanan ko after 24 years di pa ba naman ako matututo. Pero syempre di natin masasabi yan depende na rin yan sa panahon at pagkakataon.

Well, Ang hiling ko nalang sa aking  kaarawan ay hopefully puro magagandang surprises ang sumalubong sakin, maging pabor sakin ang takbo ng buhay at ikot ng mundo. Maging matagumpay sa mga bagay na aking nanaisin and to have more friends pa na darating.

Hanggang sa muli at sa mga susunod ko pang mga kwento.....




Wednesday, July 01, 2009
juk...juk...juk

TITLE: Tanong at Sagot
Q: Ano ang taong pinaka mahirap sa mundo?
A: Bulag...wala kita.
Q: Ano ang taong mayaman?
A: Duling...dalawa kita.
Q: Ano ang pinaka mayaman sa dalawa??
A: Prostitute...kita lahat.

Friendship bar





Friday, June 26, 2009
Ang Pagkamatay ni Michael Jackson

"Si Michael Jackson ay idineklarang patay sa ospital ng University of California Los Angeles dahil sa cardiac arrest o atake sa puso."

Iyan ang balitang bumulaga sa buong sambayanan, ang pagkamatay ng "King of Pop" na si Michael Jackson.

Hindi rin biro-biro ang naging papel ni Michael jackson sa mundo ng pag-awit mula ng makilala sya as "child wonder" noong nag-uumpisa palamang sya dahil sa taglay nyang galing sa pag-awit.

Michael Jackson, isa sa mga sikat na mang-aawit na gumawa ng napakalaking pangalan sa buong mundo na tinaguriang "King Of Pop". Nakikiramay po ako at nakikisimpatya sa mga taong naglukluksa sa pagkawala ni Michael Jackson.

 





Thursday, June 25, 2009
Happy 1st Wedding Anniversary Mr and Mrs Almendras

Happy 1st Year Anniversary To

Mr. And Mrs.

Mark and Daphne Almendras

Happy Anniversary






Next Page
 

  

Nickjhaey POTS

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com



Bicol Blog Community

http://www.santigwar.com/proudlypinoy.png



Image hosted by TinyPic.com

I wanna dance with somebody...
with somebody who loves me

 

Photobucket


This site is certified 75% GOOD by the Gematriculator
This site is certified 25% EVIL by the Gematriculator



   





 
<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31






 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed

Blogdrive






2007 Sarong Taga-Daet. All rights reserved.
Author: Nickjhaey
#35 Zamora St. Baguio City
Phone No:(6374)423-1867
E-Mail Add.: Nickjhaey@yahoo.com


Google